1/1/2005 Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay: Ikalawang Bahagi …tinawag sa malapitang pakikipagkapwa kay Kristo

Paul Y. Otsuka, Obispo ng Kyoto

Panimula

Manigong bagong taon! Sa taong ito ay minsan pa tayong “ magkasamang lahat bilang isa” sa Diyosesis ng Kyoto, na sa salita ng bibliya ay “sumugod sa kailaliman.” Nung nakaraang taon, sa temang “Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay”, sinimulan natin na pag-nilay-nilayan ang buhay pananampalataya na nakatuon sa Misa bilang pinaka-batayang pamamaraan ng pagpapakilala ng Sama-samang Gawain para sa Misyon. Gusto kong gamitin muli ang temang “Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay” bilang tema ng taong kasalukuyan. Bilang pang suportang tema napili ko ang “…tinawag sa malapitang pakikipagkapwa kay Kristo” (1 Korinto 1:9). Ito ay para ipakita na tayo na siyang tumatanggap ayon sa ating pananampalataya ng misteryo ng Eucharistia (Banal na Sakramento) (1) ay dapat isabuhay sa “pang-araw-araw na buhay”, ang biyaya na tinatawag sa isang malapitang pakikipagkapwa kay Kristo.

1. “Taon ng Yukaristiya”

Si Papa Juan Pablo II, sa pagpapalabas ng kanyang unang encyclical letter para sa bagong milenyo “Ang yukaristiyang nagbibigay ng buhay sa Simbahan” na inalay sa misteryo ng eucharistia (Banal na Sakramento), ay tumatawag sa lahat ng mga Kristiyano habang sila ay “sumusugod sa kailaliman” na makibahagi sa bagong pang-e-ebanghelyo, at patuloy na sariwain ang kanilang karanasan sa misteryo ng eucharistia (Banal na Sakramento).

Sa taong ito, ang buong Simbahang Katoliko ay sasali sa “Espesyal na Taon ng Yukaristiya” na ipihayag ng Santo Papa. Ang “Taon ng Yukaristiya” ay nagsimula sa ika-48 Eucharistic Congress sa temang “Ang Yukaristiya: Ilaw at Buhay ng Bagong Milenyo” na ginanap sa Guadalajara, Mexico, nung Oktubre 10-17 ng nakaraang taon at magtatapos sa isang Synod (pulong ng mga kinatawang obispo sa buong mundo) sa temang “Ang Misteryo ng Yukaristiya – Pinagmulan at Pinakadulo ng Buhay at Misyon ng Simbahan” na gaganapin sa Vatican sa Oktubre 2-29 ng taong kasalukuyan. Gusto kong tayo, mga Kristiyano ng Diyosesis ng Kyoto, ay gumamit ng “Taon ng Yukaristiya” sa mabungang (productive) paraan sa pamamagitan ng pagsasanay (getting into grips) sa temang “Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay.”

Gusto kong ang bawa’t parokya, block at regional pastoral council ang magsagawa ng naangkop na gawain para ipagdiwang ang “Taon ng Yukaristiya”. Ako rin ay magsasagawa ng mga episcopal visitation sa bawa’t block: pag-isipan at pagdasalan natin nang sama-sama ang bagay na ito.

2. Ang Sakramento at Pang-araw-araw na Buhay

Bagama’t ang mga sakramento ay tumutulong sa buhay pananampalataya, hindi sila maaaring pamalit dito. Ang bahaging “Pang-araw-araw na Buhay” sa temang “Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay” ay ginagamit upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagtingin sa mga sakramento mula sa pananaw ng pagsasabuhay ng pananampalataya sa ating pang-araw-araw na buhay. The gawaing Katolikong pang-liturhiya (pagsamba) ay hindi uri ng “relihiyosong pangingilin (religious observance)” na nangangailangan ng masidhing disiplina at asceticism. Ang layunin ng sakramentong gawain sa liturhiya ay ang pagkakaroon ng pagbabagong panloob na nagaganap kung tayo ay may “pakikipagkapwa kay Kristong nabuhay-muli.” Ang pagdalo sa Misa, ang liturhiya ng Yukaristiya – ang Banal na Sakramento, ay isang gawang naayon sa pananampalataya. Nguni’t hindi maaring sabihin na sa pagpunta sa Misa ating isinasabuhay na nang buong-buo ang pananampalataya.

Maaari nating sabihin na ang ‘sakramento’ ay isang taga-pamagitan na pinagsasama ang “aking karaniwang sarili” at ang “misteryo ng Pagkalaya [Passover] ni Kristo.” Ano ang dapat gawin kung gusto nating malampasan ang lugar at panahon at makaharap ang mga pangyayari sa kamatayan at pagkabuhay-muli ni Kristo na naganap 2,000 taon na ang nakalipas? Sa ganitong pag-iisip mauunawaan natin kung bakit ang ating Panginoong Hesus mismo ang nagtayo ng Sakmento ng Yukaristiya nang sabihin niya, “Gawin ninyo ito sa paggunita sa akin”. Sa kalagayan natin bilang tao, hindi natin kakayaning lapitan nang wasto ang misteryo ng Pagkalaya ni Kristo. Si Hesus mismo ang gumawa ng paraan para tayo ay makalapit sa kanya. Ang paanyayang “Tanggapin ninyo ito at kainin” ay nariyan sa harap natin. Sa pagtanggap ng sakramento kaya natin, sa pamamagitan ng simbolong bagay, na lumapit sa misteryo ni Kristo. Kaya, bagama’t hindi natin siya nakikita, kaya nating “makipagkapwa kay Kristo ang ating tagapagligtas.” Sa Misa, ginagamit natin ang simbolong bagay na tinapay at alak. Kasama ang Yukaristiya, ang Katawan ni Kristo, kailangan nating alamin at palalimin ang ating pag-unawa ng mga simbolo sa lahat na pitong sakramento.

3. Ang Tatlong Bahagi ng Yukaristiya: Ang Sakripisyo ni Kristo, Kanyang Tunay na Pag-iral, at Pakikipagkapwa

Kapag inilalagay natin ang benditadong “Tinapay at Alak” sa harap natin, kaya natin sa pamamagitan ng pananampalataya na ipinahahayag, “Ito ang ang banal na Katawan at Dugo ni Kristo”. Ang ating pagkakaunawa sa Yukaristiya ay mahalagang prinsipyo ng Pananampalataya, bagay na natutunan natin ayon sa intuwisyon (intuitively) at saka bagay na ibinigay sa atin mismo nang tayo ay sumama sa liturhiya (pagsamba). Ang ating Panginoon, na nag-alay ng kanyang sarili bilang sakripisyo, ay nagpakita ng sarili niya sa pamamagitan ng pakikipagkapwa at pakiki-isa sa atin.

Kaya sa Pastoral Letter na ito, gusto kong suriin ang 3 dimensiyon ng misteryo ni Kristo sa Yukaristiya (cf. Ecclesia de Euscharistia, 61) – Ang Sakripisyo, Tunay na Pag-iral, at Pakikipagkapwa ni Kristo – at pagnilaynilayan ang suportang temang “Pagsasabuhay ng Misa sa Pang-araw-araw na Buhay: Ikalawang Bahagi,” “tinawag sa malapitang pakikipagkapwa kay Kristo”. Ang 3 dimensiyong ito ang prinsipal na mga konsepto na siyang bumubuo sa tunay na kalikasan ng Yukaristiya, at dagdag pa maaari silang gamitin upang ipaliwanag ang bawa’t isa. Inaakay nila tayo tungo sa pagiging ‘Simbahan ng Pag-ibig at Pagtulong’, ‘Simbahang nagsasabuhay ng Espiritu ni Kristo’, ‘Simbahang Kumikilos para sa Pakikipagkapwa’.

4. Ang Banal na Misa: Pakikipagkapwa sa pamamagitan ng Sakripisyo

1) Ang Sakripisyo ng Pagtubos (Atonement) ni Kristo

Sa pagpapatupad ng Banal na Pestibal ng Misa ang Simbahan ay nagdiriwang ng ‘Pagkalaya ni Kristo’. Ang Yukaristiya ay isang pag-alala sa ‘Pagkalaya ni Kristo’ at ang pang-sakramentong pag-aalay ng katangi-tanging sakripisyo ni Kristo. Ang tinapay na maaari nating kainin at alak na maaari nating inumin ay kumakatawan kay Kristo na ibinigay ang sarili niya bilang perpektong biktima ng pagsasakripisyo. Inialay ni Hesus itong sakripisyong ito sa krus, para sagipin ang lahat ng tao. Simula noon, ginawa ng Simbahan na ang sakripisyong ito nang pagtubos ay maging kasama sa bawa’t ng yugto ng panahon.

Sa Huling Hapunan nang si Hesus ay malinaw na nagwika, “Ito ang aking katawan na siyang iniaalay’ at ‘Ito ang aking dugo na siyang ibinubuhos’ siya ay malinaw na tumutukoy sa kanyang kamatayan. Ang bilin ni Kristo na ‘Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin’ ay hindi lang nangangahulugan na dapat ay magkaroon ng paulit-ulit na pagsalo-salo sa pag-alala sa kanya kundi “Dapat ay palaging may panibagong pag-aalay na siyang kumakatawan ng aking kamatayan: ito ang magiging paggunita sa akin”. Dahil ang Yukaristiya ay nagpapagunita, dinadala sa kasalukuyang panahon ang pagtubos na ginawa ni Kristo sa krus, at nagpapahiwatig ng bunga ng sakripisyong ito, ito ay sakripisyo ng pag-ibig na siyang nagdudulot ng pakikipagkapwa.

2) Ang Pang-Espiritung Sakripisyo ng Pag-ibig ng Simbahan

Ang tungkulin ni Kristo bilang tagapagligtas ay walang iba kundi ang pagiging Anak na siyang tumatanggap ng lahat ng bagay, kasama ang kanyang sarili, mula sa Ama. Ang alay ni Kristo ay pag-ibig; ang alay ng pag-ibig ng Ama na kanyang tinanggap. Sa ganitong paraan tinanggap ng Diyos ang tagumpay ng Anak na tumanggap ng lahat mula sa kanya. Ito ay sapagka’t ang kadakilaan ng Diyos ay binubuo ng pagbibigay ng kanyang sarili sa pag-ibig.

Kasabay nito, ang Simbahan ay kapwa tumatanggap at nag-aalay nitong Kristo. Ang katotohanang ang isang Kristiyano ay nakikipagkapwa kay Kristo ay nangangahulugan na siya ay nagiging “pangsakripisyong alay’. Sa ganitong paraan, ang Yukaristiya ay siya ring sakripisyo ng Simbahan. Ang Simbahan ay hindi basta na lamang tumatanggap ng anuman. Ito ay tumatanggap sa pamamagitan lamang ng pagkikilahok. Dahil dito, isinulat ni San Pablo, “ Ialay ninyo ang inyong mga katawan bilang buhay na sakripisyo, kaaya-aya at katanggap-tanggap sa Diyos. (Romano 12:1)

Kung gagawin natin ito, ang pang-araw-araw na buhay (pagpuri, pagdurusa, pagdarasal, paggawa), ang pananampalataya at serbisyo sa Simbahan at sa ating sarili bilang Kristiyano ay nagiging bahagi ng Misa na iniaalay ni Kristo. Samakatuwid, ang buhay mismo ay dapat mas higit pa sa liturhiya, maging alay na pangsakripisyo.

3) Simbahang Nagmamahal (Nagsisilbi)

Ang pagninilay-nilay tungkol sa sakripisyo ng Yukaristiya ay magtuturo sa atin na tayo ay nagpupunyaging maging ‘mapagmahal, mapagsilbing Simbahan’; isang Simbahan na ang mga kasapi ay buong sayang kumikilala sa mga handog na ating natanggap, kasama ni Kristo, mula sa Ama at ginagamit ang mga handog sa pagsisilbi sa ating mga kapatid. Mahal natin, unang-una, ang mga taong nagtitipon-tipon sa iisang hapag ng Yukaristiya. Pagkatapos, ang komunidad ng Yukaristiya ay dapat na mangalaga na lumago ang pagmamahal nito upang makatulong sa kanino man. Upang maitaguyod ang Sama-Samang Gawain Para sa Misyon kailangan natin, higit sa lahat, na maging mas lalong mapagmahal na komunidad at, sa pamamagitan ng pagsilbi sa bawa’t isa bilang magkakapatid, na ialay ang ating sariling komunidad ng Simbahan bilang sakripisyong pang-ispirituwal.

5. Ang Banal na Misa: pagdiriwang ng “Tunay na Pag-Iral ni Kristo” sa mundong ito

1) Tunay na Pag-Iral: Pagbibigay ni Kristo ng kanyang Sarili

Ang ‘Ligaya ng Pagliligtas ng Kaluluwa’ na ipinangako ng Diyos ay ang “ang pagiging kasama ng Panginoon nang magpasawalang hanggan” (1 Thess 4:17). Ang sakripisyo ni Hesus sa Misa ay hindi lamang muling pangangatawan, ito ay palagiang katotohanan. Sa pamamagitan ng dasal ng pari na dumadalangin sa Ispiritu Santo (epiclesis) at ng mga salita ng bendisyon, si Kristong muling-nabuhay ay tunay na nakakapiling sa hugis ng tinapay at alak. Itong ‘Tunay na Pag-Iral’ na ito ay hindi tahimik na pag-iral kundi masiglang paggawa na sa pamamagitan nito ay ‘ibinibigay ni Kristo ang sarili Niya’. Si Kristo ay unang-una talagang narito sa mundo para sa atin sa kanyang kamatayan. Pero siya ay narito rin para sa atin sa kanyang muling pagkabuhay. ‘Napuno ng saya’ ang mga disipulo sa ‘pagkakita sa Panginoon’ (Juan 20:20). Ito ay dahil nakita nilang naging dakila si Hesus, na siyang nagpasan ng mga sugat mula sa pag-aalay ng sarili niya sa Ama habang nasa krus. Ang Panginoon na nabuhay-muli ay dumarating kung saan tayo naroon at ibinubukas ang puso sa atin, tinitingnan tayo nang may pagmamahal at pagpapatawad, at tayo ay Kanyang tinatanggap. Katulad sa sinabi ni Hesus na “Kung sinoman ang kumain ng aking laman at uminom ng aking dugo ay nabubuhay sa akin at Ako sa taong yaon,” (Juan 6:56), ang tunay na pag-iral sa Yukaristiya ay isang paraan ng pagbibigay ng sarili at pagtanggap sa isa’t-isa sa pagitan ni Hesus at ng tumatanggap.

2) Paghahanda sa Pakikipagkita sa Panginoong Nabuhay Muli

Ang mga disipulo ay nagdiwang ng Yukaristiya sa pamamagitan ng pagbati sa Panginoong nabuhay-muli, na natagpuan nila sa isang masayang pagkakataon, at pagkain ng tinapay nang may “saya at tapat na puso” (Gawa 2:46). Maaari nating sabihin na umahon si Kristo mula sa kamatayan upang tagpuin ang Simbahan sa tinapay at alak na ating inihanda sa altar, na sa pamamagitan ng Ispiritu Santo ay naging si Kristo mismo na tunay na umiiral. Ito ay sapagka’t para sa atin na nasa mundong ito ang pagkabuhay-muli ni Kristo ay ‘pangalawang pagdating’, magkasama dito ang pagdating pa ni Kristo at tunay na pag-iral ng Panginoon ngayon. Simula pa noong bago pa ang Simbahan, ang pananampalatayang batay sa Yukaristiya ay pinalulusog ng paniniwalang ang Panginoong nabuhay-muli ay talagang umiiral sa komunidad ng Simbahan. Karaniwang ang ganitong paniniwala ay nangangailangan ng paghahanda sa pakikipagtagpo sa Panginoon na siyang dumarating upang tagpuin tayo sa Yukaristiya. “Lahat ay magsisiyasat ng kanilang sarili at saka pa lang kakain ng tinapay at iinom sa inuman.” (1 Korinto 11:28). Ibig sabihin nito ay pagsisisi.

3) Ang Simbahang nabubuhay sa pamamagitan ng Ispiritu ni Kristo

Ang pakikipagkapatiran na kaugnay sa tunay na pag-iral ni Kristo ay ipinagdiriwang sa masiglang pagtatagpo ng ‘Panginoong darating’ at ‘natin na nagsisisi.’ At saka, ang Simbahan mismo ay maaaring maging hugis ng tunay na pag-iral ni Kristo sa mundong ito. Kahit na kinikilala natin na ang Misa ay pagkaing pangkapatid ng komunidad, ito ay hindi lamang pagkaing pangkapatid para sa pakikipagkapatiran ng komunidad kay Kristo. Kung ang Simbahan ay nagkukulong sa sarili niya ang sakramento ay hindi lubusang epektibo; ang mga Kristiyanong nagsama-sama nang sila-sila lamang ay hindi magiging tagapagpayabong ng pag-ibig. Kung sa gawaing apostoliko ng Simbahan at ibang pang gawain, kasama na ang Sama-Samang Paggawa Para sa Misyon na ating pinagkakasanayan pa, ay minamaliit natin ang tunay na pag-iral ng Panginoon ibig sabihin si Kristo ay maaaring wala sa ating piling. Ang pagninilay-nilay sa tunay na pag-iral ni Kristo sa Yukaristiya ay magtuturo sa atin na tayo ay dapat maging totoong ‘Simbahang nabubuhay sa pamamagitan ng Ispiritu ni Kristo’.

4) Ang Tunay na Pag-iral ni Hesus sa mga Mahihirap

Tayo ay hindi nagiging tagapagdala ng Banal na Sakramento dahil lamang sa tumatanggap tayo ng Yukaristiya. Nguni’t tayo ay nagiging simbolo ng tunay na pag-iral ng ating Panginoon kapag tayo ay tumutugon sa paanyaya na “Tumanggap at Kainin” sa pamamagitan ng epektibong ‘Pagsasabuhay ng Misa sa pang-araw-araw na buhay.’ Ang pagpapahayag ng pananampalataya na ating tinatanggap sa altar ni Kristo ay tungkol sa kung paano tayo nagiging saksi sa pananampalataya sa ating pang-araw-araw na buhay. Kasama dito ang pag-aaalay ng sarili, kasama si Kristo, bilang sakripisyo. Ibig sabihin nito ay “pagsilbi sa mga mahihirap at mga nagdurusa.” Upang tumanggap na karapat-dapat ng Katawan at Dugo ni Kristo na inialay para sa atin, kailangan nating kilalanin ang pag-iral ni Kristo sa ating mga kapatid na pinakamahirap sa mga mahihirap. Ang sabi ng Panginoong Hesus, “Ito ang Aking Katawan”. Ang Panginoong ding ito ang nagsabi na kasama siya ng mga “mahihirap, ang pinaka-aba sa aking mga kapatid” (Mateo 25:40, 45). Ito ay epektibong pagtatayo ng simbolo ng ‘tunay na pag-iral ni Kristo’ sa gitna ng mga mahihirap. “Ang tunay na pag-iral ni Kristo sa mga mahihirap” at ang ‘tunay na pag-iral ni Kristo sa Yukaristiya’ ay hindi maipaghihiwalay.

6. Ang Yukaristiya: Isang Sakramento ng Pakikipagkapatiran

1) Ang Pakikipagkapatiran ng Pinagsasaluhang Hapag, komunyon

Maaari nating sabihin na sa Huling Hapunan, ibinigay ni Hesus sa kanyang mga disipulo ang isang sakripisyong pangkapatiran (1 Korinto 11:23-26). Ang pagsama sa sakripisyong ito, ‘pagkain at pag-inom ng tinapay at alak’, ay isang pagdiriwang. Ito ang ‘communio’. Ginagamit natin ang salitang ito upang tukuyin ang bahagi ng Misa na tumatanggap tayo ng sakramento, ang komunyon: sa katotohanan, tumutukoy ito sa pakikipagkapatiran, ang pinakamalalim na bahagi nang isinasakatuparan ng Yukaristiya. Ang Eklesiyastikong komunyon [Ecclesiastical communion] (pakikipagkapatiran) ay sama-samang pagdiriwang ng Passover (Paglaya) ni Kristo. Tulad ng nasabi ko na, dahil nga sa ang Yukaristiya ay kapwa sakripisyo at tunay na pag-iral ni Kristo, ito ay inuulit sa kalagayan ng pinagsasaluhang hapag. Ang layunin ng paanyayang “Tanggapin at Kainin” ay ang pagtatatag ng pagkakapatiran at pagkakaisa.

2) Ang Simbahan, Katawan ni Kristo

Ang mga taong tumanggap ng Yukaristiya at nagtatag ng pagkakapatiran ay isinasama ang sarili nila kay Kristo. Sa pamamagitan ng Yukaristiya, ang kanyang sariling katawan, binibigkis ni Kristo sa iisang katawan ang lahat na naniniwala, ang kanyang Simbahan. Samakatuwid, ang Simbahan ay ang Katawan ni Kristo at maaari din nating sabihin na ang Simbahan ay ang pakikipagkapatiran kay Kristo. “..ang tinapay na ating kinain hindi ba’t ito ay pakikibahagi sa katawan ni Kristo? Sapagka’t may iisang piraso lamang ng tinapay, bagama’t marami tayo, iisa tayong katawan sapagka’t nagsasalo-salo tayo sa iisang piraso ng tinapay.” (1 Korinto 10: 16-17). “Ang Simbahan ay hindi lamang nakapaligid kay Kristo, siya ay nakipag-isa sa Kanyang katawan: sa Kanya. (Catechism of the Catholic Church, 798).

3) Pagkakaisa at Ugnayan ng Pag-iibigan sa Bawa’t Isa sa Pagitan ng mga Kristiyano

Dahil ang sinumang tumanggap ng Yukaristiya ay lalo pang napapalapit kay Kristo, pagkaka-isa ng lahat ng mga naniniwala ang kinalalabasan nito (Catechism of the Catholic Church, 1396). Ang pagkakapatiran ng Yukaristiya ay hindi lamang nagpapalakas ng pagkakasanib ng Kristiyano sa Simbahan na nangyari sa binyagan, kundi nagpapalalim ng kapwa ungayan ng pag-ibig at pagkakaisa sa pagitan ng mga Kristiyano bilang bahagi ng Katawan ni Kristo.

Nung 2003, pinili ko ang temang ‘Danasin natin ang komunidad ng pananampalataya’, minsan pa ay hinihingi ko sa inyo na palalimin ang inyong pagkakaunawa sa ‘komunidad ng pananampalataya’ sa pamamagitang ng pagninilay-nilay sa Yukaristiya.

4) Isang Simbahan ng Pagkakapatiran: ang Spirituality ng Sama-samang Gawain para sa Misyon

Ang pagkakapatiran sa Yukaristiya ay hindi lamang ‘pagbibigayan ng biyaya’. Ang biyayang tinatanggap natin ay nilulubos ng pag-ibig at serbisyong ibinibigay natin sa pagsagot sa biyayang ito. Ito ay bagay na hindi natin basta ginagawa bilang indibidwal; kailangang gawin natin ito bilang komunidad. Kahit na mayroong iisa lamang na katawan ni Kristo, ang mga bahagi nito ay marami at iba’t-iba kaya’t kailangan nating gumawa ng sama-sama bilang komunidad. “Sa pagtatayo ng Simbahan sumisibol ang iba’t-ibang uri ng kasapi at gawain. Iisang lamang ang Ispiritu na siyang, ayon sa Kanya mismong yaman at sa pangangailangan ng mga gawain, namimigay ng iba’t-ibang biyaya para sa kapakanan ng Simbahan” (Lumen Gentium, Vatican II: Constitution on the Church, 7).

Ang ating pagninilay-nilay sa pagkakapatiran sa Yukaristiya ay nagpapakita sa atin ng daan tungo sa lalong maging Simbahan na itinayo sa pagkakapatiran. Ang Sama-samang Gawain para sa Misyon ay nangangahulugan na ang mga Pare, Religious, at Laity, ang bawa’t isa ayon sa kani-kaniyang bokasyon, ay gumagawa ng sama-sama upang maipatupad ang apostolikong gawain ng Simbahan. Ito ang ispiritu ng Sama-samang Gawain para sa Misyon.

7. Sama-samang Pagdarasal kasama si Maria sa harap ni Hesus

1) Pagdarasal na Pang-Yukaristiya

Kasama ang pagdarasal sa pakikipagkapatiran sa eucharistia, ang Banal na Sakramento. Ito ay sapagka’t ang Yukaristiya ay siyang ‘tunay na pag-iral ng pagdarasal’ sa mundong ito. Hinango ng Ama si Kristo mula sa kamatayan, itinatag siya bilang templo at ‘tinawag tayo sa isang malalim na pakikipagkapatiran sa Kanyang Anak” (1 Korinto 1:9). Ang pagsamba sa Yukaristiya maliban sa Misa, lalong-lalo na yung bisita sa Banal na Sacramento, ay mahalagang gawain ng pananampalataya na sa pamamagitan nito’y mauugnay tayo sa tunay na pag-iral ng ating Panginoon. (Cf. “Reception of the Eucharist outside Mass and Eucharistic Worship”). Sa imbes na ang Kristiyano ang siyang bibisita sa Yukaristiya ang ating Panginoon ang siyang bumabati sa atin sa pamamagitan ng palagiang pagpapanibago ng kanyang tunay na pag-iral sa kanyang komunidad sa mundo. Itinuturo ng Yukaristiya, ang pinaka-puso ng dasal na Kristiyano, na ang dasal ay hindi lamang tungkol sa pagtanggap ng anuman kundi ng pakikipagkapatiran.

Kapag ang Simbahan ay nagdarasal sa harap ni Kristo at nagpapahiwatig ng mga pangangailangan ng Simbahan at mundo, ito ay hindi dahil sa hindi alam ng Diyos ang mga ito kundi ang Simbahan mismo ay nagbubukas ng kanyang puso upang mapakinggan ang salita ng Panginoon. Ang Panginoon ay palaging naroon upang tumugon sa bawa’t isang pangangailangan. Ang tunay na pag-iral ng Panginoon ay isang paraan para ang makapangyarihang Diyos ay makalahok sa mga nangyayari sa mundong ito.

2) Maria: Babae ng Yukaristiya

Si Maria ‘Babae ng Yukaristiya’ (Ecclesia de Eucharistia, 53), na siyang nagdalangtao sa Anak ng Diyos, ay naghanda para sa atin ng daan upang ang nabuhay-muling Hesus at tayo ay magtagpo sa Yukaristiya, at siya ay umaakay sa atin patungo doon (along it). Magdasal tayo na kasama siya sa harap ni Hesus hanggang ang gutom at uhaw ng ating mga puso ay lalo pang mapawi at tayo ay maging kontento.

3) Panalangin para sa Kapayapaan sa Mundo

Bilang huli, ipagpatuloy natin sa taong ito ang pagdarasal sa Misa para sa kapayapaan sa mundo. Nung nakaraang taon, itinalaga ko ang isang maliit na kapilya sa katedral, na para sa ‘Our Lady of Miyako’, bilang lugar para sa pagdarasal para sa kapayapaan. Nanawagan ang Papa na “Kung saan man may posibilidad para sa kapayapaan meron ding pananagutan na gumawa ng kapayapaan.” Palagi tayong nag-aalay ng espesyal ng dasal para sa kapayapaan, pagkatapos ng Dasal ng Panginoon sa Misa. Tayo, na tutol sa digmaan, ay kailangang magdasal kay Kristo, ang Panginoon ng Kapayapaan, at hingin sa kanya na maturuan tayo ng dapat na gawin sa harap ng labanan at pagsalungat. Ang Misa mismo ang pinakamagaling na dasal para sa kapayapaan na kaya nating gawin. Ipinagdarasal ko na ang buong pamilya ng sangkatauhan, na walang itinatanging ‘…tinawag sa isang malalim na pakikipagkapatiran kay Kristo’ ay sana’y ‘magkabuklod bilang iisa’ at ang lahat ng tao ay sama-samang mabuhay dulot ng pagkaka-isa.

1/1/2005, Kataimtiman ng Ina ng Diyos


(1)
Eucharistia (Banal na Sakramento) – Sa unang Simbahan, ang pagsasama-sama sa ‘Araw ng Panginoon’ para sa paggunita ng Huling Hapunan ay tinawag na eucharistia. Sa salitang Griyego ito ay nangangahulugan ng pasasalamat o utang na loob. Ang eucharistia na ito ay palaging ginagamit sa Ingles bilang ‘Banal sa Sakramento’. Ang salitang ito ay nagbibigay ng kaisipan ng walang pagbabago, samantalang ang ‘pagpapasalamat’ ay konseptong buhay na buhay. Ang Misa ay tinawag ding ‘Liturhiya ng Pagpapasalamat’. Ang pagpapasalamat sa bagay na ito ay malawak at kasama ang paggunita, pakikilahok sa Hapunan ng Panginoon, bagong tipan, pag-aalay, pagsamba, at iba pa. Upang magkasama ang kahulugan ng ‘Pagpapasalamat’ at ‘Banal na Sakramento’ ginamit ko ang salitang ‘eucharistia’ na sinusundan ng ‘(Banal na Sakramento)’.

(Sa Ingles na bersyon, kapag ang salitang ‘Eucharist’ ay ginagamit, ito ay dapat basahin na katumbas ng ‘eucharistia (Banal na Sakramento)’.