“Magtatag Tayo ng Kultura ng Simbahan na Magbibigay ng Buhay sa Paghubog ng Pananampalataya ng mga Bata”
Pagninilay sa Bisita ng Obispo sa Bawa’t Block nung Taong 2003
Kapistahan nina San Pedro at San Pablo Hunyo 29, 2004

Paul Y. Otsuka, Obispo ng Kyoto

Panimula

Ang Paghubog ng Pananampalataya ng mg bata at mga kabataan ay lubos na mahalaga sa pagpapasa ng Pananampalatayang Katoliko sa susunod na henerasyon. Noong isang taon (2003) sa Diyosesis ng Kyoto, pinili natin ang paksang “Pagpapaunlad ng Pananampalataya ng mga Bata.”

Noong panahon ng Bisitang Pastoral ng Sama-samang Gawain para sa Misyon ng mga Blocks, napagnilay-nilay natin ang tunay na kalagayan ng Paghubog ng Pananampalataya ng mga bata sa mga parokya, at pinag-isipan natin ang mga sama-samang magagawa natin sa Block para makapagbigay ng Paghubog ng Pananampalataya ayon sa Sama-samang Gawain para sa Misyon. Sa pakikipag-usap ko sa mga magulang ng mga batang nasa elementarya, narinig ko mismo ang kanilang mga pag-aalala, opinyon at pakiusap, at ang lahat na ito ay malinaw na nagsabi sa akin ng pananagutan ng Simbahan. Ang komunidad ng parokya ay dapat magkaroon ng panibagong pagkakaalam at pagtingin, at harapin ang Paghubog ng Pananampalataya bilang bagay na sangkot ang lahat sa komunidad. Sa pamamagitan ng mas malaking pagpupunyagi sa paghahanap ng solusyon at pagbibigay sa mga bata ng sapat na paghubog ng pananampalataya, makikita ng komunidad ng parokya sa iba’t-ibang hakbang sa Sama-samang Gawain para sa Misyon ang siguradong daan.

Sa Sulat Pastoral na ito ay babanggitin ko ang mga bagay na nakolekta at inayos ng section para sa Eskwelahan ng Simbahan ng Komite ng Paghubog ng Pananampalataya, na ayon sa Bisitang Pastoral at questionnaire. Ako ay nagpapasalamat sa lahat ng tumulong dito.

Ibinibigay ko ang Sulat Pastoral na ito sa inyo sa pag-asang ito ay magiging gabay sa mga tao sa parokya at sa Block sa pagtuklas ng mga bagay at mga paraan ng pagtutulungan ng bawa’t isa sa gawaing Paghubog ng Pananampalataya.

1.Paghubog ng mga Taong may kakayahang magdesisyon sa buhay

Sa Paghubog ng Pananampalataya ng mga Bata, kailangan nating pag-aralan ang mga nilalaman at mga paraan ng pagpapahiwatig ng Pananampalatayang Katoliko sa kanila. Pero nararamdaman ko na higit sa lahat kailangan natin ng isang Vision o Pananaw na nagtatanong: anong uri ng Kristiyano ang gusto nating maging? Ang ganyang Pananaw ay dapat tumulong sa mga bata na maging malaya at magkaroon ng kakayanang magdesisyon sa buhay, sa harap ng Diyos. Kung masyadong nakatoon ang Paghubog ng Pananampalataya sa pagsasanay sa relihiyon, o sa pagmememorya ng

-   dasal, pagpunta sa Misa, pag-master ng Katekismo, at pagsunod sa mga utos ng magandang asal, mapipigilan ng mga ito ang mas mahalagang karanasan ng pagsasama ng puso sa Diyos. Maaaring ito ay maging pagtuturo lamang ng “formalistic” na uri ng Pananampalataya. Kung mangyayari yan, ang tunay na kalayaan ay hindi mabubuo at ang mga tao ay mawawalan ng saya, na nagpapalakas sa kanila. Ang Paghubog ng Pananampalataya ay tumutulong sa lahat ng nakatanggap ng handog ng Pananampalataya na pinili nilang paniwalaan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ispiritu Santo ng Diyos at ng kanilang sariling pagnanais sa harap ng Diyos na piliin ang pag-ibig bilang pamamaraan ng buhay. Maaaring sabihing ang Paghubog ng Pananampalataya ay pag-aaral ng pagiging tao. Nalulunod ang mga tao sa ngayon sa dami ng impormasyon at sa nakapaligid na nagdadamihang pinahahalagahang bagay. Kung hindi tayo pipili o hindi tayo tatanggi sa ilang bagay, hindi tayo kailan man magiging malaya. Ang buhay ay binubuo ng sunod-sunod na pagpili. Ang pagtingin na ayon sa pagkalahatang pagpapahalaga (universal values) na pinipili ang buhay at tumutulong sa mga bata na boluntaryong sumagot sa imbitasyon ng pag-ibig mula sa Diyos, ang siyang uri ng pag-aaral na nagbibigay sa mga bata ngayon ng kapangyarihang kailangan nila sa buhay.

2. Mga isyu na lumabas sa pagbisita sa mga Block

Tatalayakin ko naman ngayon ang mga bagay na sinabi sa ilang pagbabahagi noong Bisitang Pastoral sa mga Block nung 2003. May ilang uri ang pagtingin ng tao sa problema ng “hindi pagsimba ng mga bata”:
-   optimistiko (magbabago din ang mga bata pag tagal ng panahon),
-   aburido (nalulungkot na hindi mawala ang problema, kahit pilitin ang mga bata, dahil sa maraming dahilan),
-   may pananagutan (malinaw na nakikita ang kabiguan na maimpluwensiyahan sila),
-   nag-aalala (bagama’t maayos ngayon ang takbo ng mga bagay, maaaring hindi ganito sa hinaharap), at
-   conversion-minded (ang problemang ito ay dapat harapin ng seryoso bilang Simbahan, at sama-sama bilang komunidad).

Ang mga nakatatandang mga magulang ay nakakapansin na malabo ang sinasabing “pagsasabuhay ng Pananampalataya” at “pagpunta sa Simbahan.” Kung ganito ang kalagayan, maiintindihan natin ang kahirapan ng mga bata pang mga magulang kaugnay sa pagtingin na “Nag-aalala” at “May Pananagutan” sa “pagpapasa ang pananampalataya sa mga bata.” Maaaring sila ay
-   alienated (baka hindi sila tanggapin ng komunidad ng Simbahan),
-   nag-aalala (maaaring hindi tratuhin ng mabuti ang kanilang anak);
-   hindi kontento (walang Paghubog ng Pananampalataya para sa mga bata lalo na para sa mga nasa Junior High School), o
-   conversion-minded (dapat munang isabuhay ng mga nakatatanda ang kanilang pananampalataya na ayon sa turo ni Kristo).

Ang tingin ng mga magulang sa Paghubog ng Pananampalataya ay may ilang uri:
-   may pananagutan (bagama’t alam nila ang kanilang pananagutan sa pananampalataya ng kanilang mga anak, kailangan din ng tulong dito ng Simbahan),
-   may pag-usisa sa sarili (dahil ang kanila mismong pananampalataya bilang magulang ay hindi ganap, hindi nila masabi sa kanilang mga anak ang “saya ng pananampalataya”),
-   may pag-aalala (kahit na mahirap ang kalagayan ng pamilya, kailangan nilang ibahagi ang pananampalataya sa mga bata),
-   optimistiko (may sadyang pakiramdam ang mga bata na sumunod sa Diyos, kaya hindi dapat mabahala).

3.Tunay na kalagayan ng Sunday Schools

Susunod nating titingnan ang mga pagbabago sa mga Sunday Schools. Ilalahad natin kung ano ang mga iniisip at inaaasahan ng mga masisipag na mga pinuno ng Sunday Schools tungkol sa iba’t-ibang kalagayan:
-   pagbabago ng kapaligiran (mas kokonti na ang mga bata at ang lipunan ay nagbago na, kaya ang sagot ng Simbahan ay mukhang luma na),
-   ang kalagayan mismo ng mga pinuno (karamihan sa kanila ay mga magulang na at mas lalong nangangailangan ng pagtutulungan ng bawa’t isa sa level ng sama-samang Gawain para sa Misyon Block upang hindi sila makaramdam ng pag-iisa. Hinihila sila sa iba’t-ibang direksyon kaya imposibleng magtuon ng gawain sa Paghubog ng Pananampalataya),
-   nakakaranas ng katuparan (natutunan nila ang salita ng Diyos kasama ang mga bata, at sa sigla ng mga bata sila ay lumalakas),
-   kalagayan ng pagsasanay (dahil maaaring may hindi maayos na mga gawain sa Sunday School, ang pagsasanay ay pagkakataon para tingnan ang kanilang sariling Pananampalataya, magamot at mabuhayan ng loob),
-   pag-aalala at ang mga gagawin sa hinaharap (kakulangan ng mga Pari at mga religious, pagbaba ng kaalaman ng mga magulang, kakulangan ng kakayanan at ideya).

Batay sa ganitong kalagayan, ang mga nagtuturo, pinuno at mga magulang ay umaasang ang mangyayari ay ganito: isang Simbahan na ang mga bata ay nakakaramdam na sila ay bahagi ng komunidad. Gusto ng mga bata ng lugar na ang pagpapahalaga sa Pananampalataya ay maibabahagi sa mga batang kasing edad nila; isang komunidad na ang mga pari, religious at lay ay nagkakaisa sa pakikisama sa pananalig, at ang mga bata ay makakadiskubre ng pamamaraan upang mabuhay; isang Simbahan na ang mga tao ay natututo na isabuhay ang Misa, hindi lang pumunta sa Misa. Kailangan nating baguhin ang ating pagtingin sa pagsimba at ang ating relasyon sa Misa.

4.Dalawang bahagi ng Paghubog ng Pananampalataya: Pag-aaral at Pagsasabuhay

Ang Simbahan ay nagpapalaganap ng Salita ni Kristo, ito ay tumanggap ng atas na magbinyag, at simula pa nung unang panahon ay nagbibinyag hindi lamang ng matatanda kundi pati ng mga sanggol. Sa Pagbibinyag ng Sanggol, ang sanggol ay wala pa sa edad ng kaalaman at hindi pa kayang magpahayag ng Pananampalataya. Sapagkat ang Binyag ay batayan ng Paghubog bilang Kristiyano, mayroon itong dalawang mahalagang bahagi. Ang una ay ang dahan-dahang pagtuturo, ayon sa edad ng bata, ng plano ng Diyos sa pagligtas sa atin na ipinahiwatig ni Kristo. Ang pangalawa ay ang paggabay sa kanila sa pagkakataon na maaari na silang personal na pumayag sa Pananampalataya sa Simbahan. Ito ang layunin ng pag-aaral ng Pananampalataya.

Kasama dito ang pagtuturo sa mga bata tungkol sa Diyos, kung paano makikilala ang pag-ibig ng Diyos at magkakaroon ng kakayanang sila mismo ang may kapangyarihang tumugon dito. Ito ay tumutuon sa prinsipyo ng Pananampalataya. Sa ibang salita, ang prinsipyo ay ito: kapag lalong lumalawak ang kaalaman sa tawag ng Diyos, lalo pa silang makakalakad sa daan ng Pananampalataya bilang tugon dito. Kung gagamitin ito sa kasalukuyang paghubog ng mga nakatatandang sumasampalataya, tinatawag itong “pag-aaral ng Pananampalataya,” at ang “pagsasabuhay ng Pananampalataya.” Umuunlad ang isang tao sa pagsasama ng dalawang ito. Ang pag-aaral ng Pananampalataya ay hindi pagpapadalubhasa ng mga doktrina at dami ng kaalaman. Sa imbes, itinuturo nito ang personal na karanasan ng pakikinig sa boses ng Diyos sa pang-araw-araw na buhay ng pagdadasal, na siyang pinalulusog ng Salita ng Diyos. Ang karanasang ito ay talagang nangyayari sa mga taong sariling naghahanap ng sagot, at ito ay mabubuo sa pagdaan ng panahon.

5.Pagsasabuhay sa Pananampalataya at pagpapahayag ng paggawa ng isang Kultura ng Simbahan

Ang pagpapatunay sa mahalagang misyon na ipasa ang ating Pananampalataya sa susunod na henerasyon ay nagbibigay ng atas na gumawa ng bagong Kultura ng Simbahan, na siyang bubuhay sa Pananampalataya at magpapasa nito. Ito ay para sa paghubog ng mga bata at sa patuloy na paghubog ng mga nakatatandang sumasampalataya. Ang layunin ng buhay Kristiyano ay hindi lamang para maipasa ang Pananampalataya. Ang lubusang pagsasabuhay nito ang tunay na bumubuo ng buhay na tradisyon.

Sa Pagbibinyag ng Sanggol, ito ang sinasabi ng Pari bago dasalin ang “Ama Namin”: Ang batang ito ay naging anak ng Diyos. Isang araw, tatanggapin ng batang ito ang Kumpil at makikisalo sa Hapag ng Diyos sa altar na ito, at sa harap ng lahat ng tao ay tatawagin niya ang Diyos ‘Ama.’ Sa ngalan ng bata, dasalin natin ngayon ang dasal na itinuro sa atin ng Diyos mismo.” Ang bata ay binibinyagan sa Pananampalataya ng Simbahan na siyang ipinapahayag ng mga magulang, ninang at ninong, at lahat ng dumalo sa binyag. Dahil ang bata ay bininyagan sa Pananampalataya ng Simbahan at upang ang kahulugan ng Sakramento ay magkatotoo, siya ay dapat palakihin na ayon sa mismong Pananampalatayang ito. Ang Pananampalatayang ito ay sumasakop sa lahat ng bagay na may kinalaman sa komunidad ng Simbahan. Hindi ibig sabihin na ang mga Pari, mga nagtuturo sa Sunday School at mga magulang lamang ang gagawa ng pananagutang Hubugin ang Pananampalataya ng mga bata. Ang itinatanong ngayon ay ang kakulangan ng kaalaman sa paraan ng komunidad ng Simbahan sa Paghubog ng Pananampalataya ng mga bata at ang “pagpapaubaya ng gawaing ito sa iba.” Kaya ang layunin ng Sama-samang Gawain para sa Misyon ay maging komunidad ng nag-e-ebanghelyo, at ang mga hakbang para dito ay siya na ngang batayan ng Paghubog ng Pananampalataya. Sa hinaharap, hindi na sasabihin na ang mga bata ay tinuruan ng Pananampalataya ng mga religious at mga nagtuturo sa Sunday School. Gusto kong magkaroon sila ng ala-ala na tinuruan sila ng lahat ng nakakatatandang kasapi ng Simbahan. Sa ganitong paraan, makikikita at mauunawaan ng mga bata ang Pananampalataya bilang napag-aralan at naisabuhay ng mga nakatatanda, kasama na ang kanilang mga magulang. Sa Simbahan ng Japan, sa tingin ko ito ang tatawagin nating “ang Paggawa ng bagong Kultura ng Simbahan.”

6.Lahat ng bata ay anak ng komunidad ng Simbahan

Gusto kong bigyang diin na kahit na wala silang anak sa Sunday School, ang mga pamilya ay maaaring magturing na ang lahat ng bata sa Simbahan ay kasama sa komunidad at pagtibayin na meron pa rin silang pananagutan, kasama ang mga magulang, sa Paghubog ng Pananamapalataya ng mga bata. Dagdag pa dito, para magawa ang bagong Kultura ng Simbahan, espesyal na gawa ang dapat gawin ng buong komunidad, para maunawaan at mabigyan ng suporta ang mga magulang at bata na mula sa tahanan na hindi lahat ay Katoliko o pamilya na hindi Hapon.

Ang isa pang problema na lumabas sa pagbabahagi ng mga tao sa Block meetings ay tungkol sa Japan mismo. Ito ay ang hirap ng pagsasabuhay ng Pananampalataya sa mga tahanan na may iba’t-ibang religion. Kung ang isang magulang ay hindi Katoliko, maraming problema ang lumalabas, tungkol sa dalas ng pagpunta sa Misa, Pagbibinyag ng mga anak, kaugnayan sa Simbahan, at iba pa. Ang pagbibigay ng Paghubog ng Pananampalataya sa ganyang tahanan ay tunay na nakalulungkot na gawain. Ang mga problemang ito, kasama na ang Paghubog ng Pananampalataya, ay kailangang maintindihan at akuin ng buong komunidad ng Simbahan.

Ang Simbahan ng Japan ay patuloy sa kanyang pagsisikap na makapagtayo ng Simbahang may iba’t-ibang kultura, at ito ay isang malaking hamon. Marami sa mga hindi-Hapong naninirahan dito ay mula sa mga bansang Katoliko.  Dito sa lipunang hindi Katoliko ng Japan, nalilito at nahihirapan sila na palakihin ang kanilang mga anak ayon sa Pananampalataya na tulad sa kanilang sariling bansa. Dagdag pa dito, may mga kasal sa hindi-binyagang Hapon, na kasama na yung problema sa pakikipag-usap sa salitang Hapon, ay nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa at pag-iisa tulad ng mga pamilyang nabanggit. Sa palagay ko ay kailangan ng panibagong pagsisikap at paghahanap ng mga praktikal na pamamaraan para mapalalim ang pagsasama-sama ng mga may pananampalataya sa pamamagitan ng awa at pang-unawa, pagbabahagi ng mga problema tungkol sa Pananampalataya.

7.Mga Paraan ng “Pagmimisa na kasama ang mga bata”

Ang Liturhiya ay mainam sa pagtuturo sa mga bata at matanda. Walang tinatawag na “Misa para sa mga Bata.” Ang nangyayari ay ang “pagmimisa na kasama ang mga bata.” Kaya, sa lahat ng Misa, kasama na yung karaniwang Misa sa Linggo, kailangang pangalagaan ang mga bata upang hindi sila makaramdam ng hindi sila kasama sa Misa. Halimbawa, kahit ang salita ng seremonya o ang mensahe ng Bibliya ay mahirap unawain, mabilis na matutunan ng mga bata ang mga mahalagang gawain tulad ng pagbati, pagtahimik, pangkalahatang pagpuri, at lalo na ang pagkanta ng sabay-sabay. Sa ilang bahagi ng Misa, ang Pari ay maaring magsalita ng simple sa mga bata, o ang mga bata ay maaaring sumama sa pagkanta, magbasa ng Salita ng Diyos, sumama sa Pag-aalay, at iba pa. Subukan ninyo na makagawa ng mga paraan na ang mga bata ay magkakaisip na bahagi rin sila ng Liturhiya. Sa ganitong paraan, matuto ang mga bata sa kanilang nararanasan na sa komunidad ng Kristiyanismo, ang lahat ay may kanya-kanyang gawain.

8.Saya at karangalan na maging isang Katoliko

Sa Japan, ang mga Katoliko ay kokonti lamang at ang paniniwalang Katoliko mismo ay kadalasang pinagdududahan ng lipunang lalo nang nawawalan ng kaugnayan sa relihiyon. Ito ang lugar na pinagkakalakihan ng mga bata at tayong mga matatanda ay may mabigat na pananagutan na gabayan sila sa pamamaraan na ituturing nila na ang Pananampalatayang Kristiyano ay masaya, marangal, at hindi pasanin o dapat ikahiya. Ang mga itinuturo ni Kristo ay hindi pananagutang pinagtatalunan o mabigat na pasanin. “Ang aking pasanin ay magaan” sabi ni Kristo (Mateo 11:30). Ito ay Salita ng Masayang Pagbati na ipinahiwatig ni Marcos 1:15. Kung ang Pananampalataya ng mga bata ay magdudulot ng takot o pagsupil, maaring maging masama ang kanilang pagtingin sa Kristiayanong Pananampalataya kapag sila ay nagdalaga o nagbinata. Sa kabilang banda, kung maisip nila na, para sa kanilang mga magulang, ang pagiging Kristiyano ay pinakamahalaga sa lahat, pinanggagalingan ng saya, kapayapaan, pagpapatawad, awa, at kabaitan, pinanggagalingan ng pagmamahal para sa kanilang anak na nakikita sa karaniwang pamumuhay sa araw-araw, at maiisip nila na gusto ng kanilang magulang na sa lalong madaling panahon ay magkaroon din sila ng Biyaya ng Pagbibinyag kasunod ang Paghubog ng Pananampalataya, maaaring tanggapin nilang lahat ito ng may pasasalamat.

9.Sa aking pagbisita nung isang taon, lubusan akong nagpapasalamat na makita ang maraming lay people, religious at mga pari na malakas ang paniniwala sa Paghubog ng Pananampalataya, na nagsisilbi sa Sunday Schools. Humanga ako sa pagmamahal nila sa mga bata sa mga parokyang pinagsisilbihan nila, at kung papaano sila nagtiis sa mga hirap, pagkabigo at kakulangan ng tulong sa komunidad ng parokya. Natutuwa din ako na nararanasan nila ang paglaki ng mga bata, at ang tulong at suporta ng buong parokya. Muli akong nagpapasalamat sa kanila. Simula ngayon, gagawin ko ang lahat lalo na sa

pamamagitan ng mga gawain ng Komite ng Paghuhubog ng Pananampalataya ng Diyosesis upang makatugon sa pangangailangan ng inyong gawain. Kahit ang katotohanan ng Pagmamahal ng Diyos ay lumalago sa puso ng mga bata sa pamamagita ng Binyag, ang mundo ng mga matatanda ay kadalasang pasalungat. Ang mga bata ay dadalhin sa makabagong lipunan na naghahabol sa kayamanang materyal at nagdurusa sa paralisis ng buhay na walang pagmamahal. Ang pagbibigay ng Paghubog ng Pananampalataya ay ginagawa natin hindi para sa Simbahan kundi para sa mga bata mismo. Sumulong tayo mga magulang, mga nagtuturo, mga komunidad ng Sama-samang Gawain para sa Misyon Block, pagsama-samahin ang lahat ng yaman ng isip at lakas, at magtulungan, upang mahubog ang Pananampalataya ng mga bata na magpapasan sa kanilang balikat ng lipunang hinaharap.

Isinalin sa Tagalog ni:JEFF PLANTILLA

PAUL YOSHINAO OTSUKA
Birthday: October 7, 1954
Birth Place: Kyoto City
Date of Ordination as priest : March 20, 1984 Date of Ordination as Bishop: June 15, 1997

MENSAHE NI BISHOP SA
MGA PILIPINO SA KYOTO


Sa mga mahal kong Filipino ng Kyoto Diyosesis:

Ikinagagalak ko na magbigay mensahe sainyo sa wikang tagalog: “Magtatag Tayo ng Kultura ng Simbahan na Magbibigay ng Buhay sa Paghubog ng Pananampalayata sa mga Bata.” Ito ay Pagninilay sa mga pagbisita ko sa bawa’t Block nung Taong 2003 na ang tema ay paghubog ng pananampalataya ng mga bata. At nagpapasalamat din sa mga naghanda ng report na ito.

Malaki ang hamon ng simbahang Hapon sa pagbubuo ng komunidad at Parokya na kasa-kasama ang mga taga-ibang bansa. Kailangan natin pagsamasamahin ang ating kakayanan at kalakasan upang makamit ang mithin at layong ito. Kailangan din tayong makibahagi ng mga magagandang kultura at kaugalian, at magkipag-ugnayan ng taus puso upang bigyang solusyon ang mga bagabag at suliranin.

Ninanais ako sana, na itong liham pastoral ay magiging magandang pagkakataon upang mapagusapan ang paghubog ng pananampalataya ng mga batang di hapon na naninirahan na dito sa Japan.

Nawa’y magkakaisa tayo.


KYOTO DIOCESE FILIPINO COMMUNITIES

KYOTO PAG-ASA FILIPINO COMMUNITY
Allan Cledera - 078 261 3870
Heidi Terada - 075 645 1471
Sr. Mary Lou Razon, sfic - 075 822 8952
SHIGA FILIPINO CHRISTIAN COMMUNITY
Rose Sakurai - 077 544 3736
Delia Nakashima - 077 564 7805
Sr. Altagracia Miguel, sfic - 075 822 8952
NARA—YAGI FILIPINO COMMUNITY (Minami Block)
Enie Otaki - 074 422 0175
Sr. Eustella Garcia, sfic - 074 352 9934
NARA CHURCH FILIPINO COMMUNITY—KITA BLOCK
Jean Tanangonan - 074 251 1117
Myrna Takao - 0907 4951 1983
Sr. Josephine Dugay, sfic - 074 352 9934
MAIZURU FILIPINO GROUP
Fe Harada - 077 364 1315
MIE KEN—MATZUSAKA FILIPINO COMMUNITY
Loida Sakaguchi - 059 823 1783
- PUSONG PINOY FILIPINO COMMUNITY
Ofelia Murayama - 059 268 1789
- SUZUKA FILIPINO COMMUNITY
Mary Anne Matsubaya - 059 582 6921
- YOKKAICHI FILIPINO COMMUNITY
Beth Ooi - 059 351 7989
Sisters-in-charge:
Sr. Nora Jaurigue, sfic - 074 352 9934
Sr. Fausta Cabrillas, sfic - 072 822 8952
(Japanese Language Student)